Wednesday, June 9, 2010

My birthing story

My edd is May 9, 2010. Excited kami ni hubby kasi if masusunod ang EDD, the three of us would have the same birthdates.

April 13
Had my regular check up. My ob gave me admission slip kasi papasok na ako sa 37 weeks of pregnancy on the 18th. She also taught me the signs of labor and we discussed the different types of anesthesia.

April 18
No contractions. No breaking of water bag.

April 20
Weekly check up. IE was performed. 1cm dilated. Went home. Went on my morning walks.

April 27
Weekly check up. IE was performed again. Still stucked at 1 cm. I was prescribed with eveprim for 1 week. Kinareer ko na ang paglalakad. Went to Robinson’s Padre Faura at naglakad maghapon. Sumuko kapatid ko after 2 hours of walking. Sinabihan ako na tawagan ko na lang sya kapag manganganak na ako, lol

May 3
A day before my check up, went up to Tagaytay to attend a birthday party and para magpatagtag as well. Umuwing pagod but still no pain yet. Nagulat mga relatives kasi kabwanan ko na pala e nakikibirthday pa ako, lol

May 4
Weekly check up. This time, nagbunga na ang pinaghirapan. 3 cm dilated but still no pain. No contractions felt. My ob discussed with me na if lumagpas ako ng EDD ko, she’s giving me a week or else induce na nya ako which will eventually lead to CS! She also requested for a BPS to check my amniotic fluid and baby’s status inside.

May 9
My EDD. Woke up early kasi excited ako. Pero wala pa din. Kahit na 11pm na e hindi pa din ako nawawalan ng pag-asa na manganak kaso ayun, wala pa din. Natulog na lang ako.

May 10
Election day. Nakabuti ang pagiging preggy and all ko kasi priority ang preggy sa presinto para bumoto. Voting was a breeze. Thanks to my baby, haha!

May 11
Woke up early kasi need ko pumunta ng UDMC for my BPS then went back to TMC-SM Fairview for my weekly checkup. Went out with my parents and sobrang gutom na ako kasi almost 1 pm na kami nakabalik. Actually, hinabol na lang namin ang sked ni dra and good thing umabot naman kami.

Dra performed my weekly IE and lo and behold. She asked, are you sure walang masakit? So I said opo wala po. She asked again, are you sure? So I said, opo dra. Then she said, you are now 4-5cm dilated. Ipapaadmit na kita now na. so I said, hmm dra pwede po kumain muna kasi gutom na po ako. Natawa si dra! She said, ok pero light lang ha.

My mom was with me the whole time and hindi ata nya narinig si dra so I said, mommy now na. magpaadmit na daw ako ngaun. My mom was like: huh?! Ngaun na?! as in natawa ako sa reaction ng mom ko. Sya pa itong nagulat na parang namutla na stressed out! Hahaha! While I was all relaxed and excited. So again we asked for dra’s permission na kumain muna. Sabi ni dra basta light lang ha! So I said, dra pwede po pasta? Nyahahaha! Natawa na lang si dra sa aming mag-ina.

So I called my dad who was roaming around the mall. And nagulat din sya na now na! And I'm like, mom dad, uwi muna tayo kasi gusto ko pa maligo and para akong najejerbs. Sabi nila, no way. Kain na tayo then derecho na tayo Chinese Hospital! Hahaha! And look, ang pinakain lang sa akin ng magulang ko ay ilang subong lugaw at 1 small porion ng steamed lapu lapu fish! E gutom an gutom na kaya ako tapos sila may chammy pansit pa! Hmp. Anyways, excited din naman ako kaya hindi ko na napansin ang gutom ko.



4PM nakarating na kmi sa Chinese General Hospital. Nagloko pa elevator so nagstairs na lang kami ng mom ko para kako mas matagtag ako. 3 floors lang naman so keri lang. Pag-akyat namin may nakasabay ako na babae na namimilipit ang tyan sabay ako wala lang. sabi ng guard, san po kayo mam? So sabi ko sa labor room and she’s like: huh? Kayo po? Sabi ko, opo eto admission slip ko. So ayun pinapunta na ako sa labor room. Again, may nakabantay na 2 nurses and kagaya ng reaction ng guard, sino po. Hahaha! Nung pinakita ko ang admission slip saka lang naniwala. Kaso hindi pala pwede celfon sa loob so sabi ko may tatawagan lang ako saglit. Lumabas muna ako to call my hubby who was overseas kaso he’s not answering so I just texted him and ibinilin ko na lang sa mom ko. I even asked the nurses kung iiwan ko na ba yung digicam & baby book, sabi nila later na lang po kapag manganganak na kayo. So I returned the stuffs to my mom and pumasok na ako sa loob.

May receiving table ulit, this time mas madaming nurses na. and they’re like ano yun. So again, inulit ko dialogue ko and they just asked some questions. If I’m married na. What was my last meal and from what time. Who is my OB. When was my LMP. And I’m thinking, lahat yan nakalagay sa admission slip ko. Pero I stopped myself at baka ano gawin sa akin sa loob,haha! Then they told me pasok na po kayo sa loob at pumili ng bed.

Ganun pala itsura ng labor room sa CGH. 2 rows ng beds. Facing 1 direction only. I chose bed number 9 facing the clock. Haha! When I entered I was all smiles pero I noticed the other mommies were all quiet and serious! Haha! So nagserious look na din ako. Paghiga ko, I can’t stand the quietness of the room and hearing the heartbeat of a baby nung isang mommy. So I asked the mommy beside me kung what time sya dumating she said 9am and its 4 pm already! Then I was given a waiver to signed on, a scrub suit to changed on then dextrose was attached to me and IE was performed again, this time I’m 5 cm already. The nurse who performed the IE was bad. Ang sakit nya mag-IE! Unlike dra who is so gentle with me! Haha! The nurse also punctured my water bag kasi nakita ko sya may hawak na stick and gave me a bed pan. I’m like, hmm para san po ito kasi never pa ako nakagamit ng bed pan. So the nurse positioned it for me. Then boom, pagkaputok ng water bag, ang daming tubig! As in parang pumutok ang isang napakalaking lobo at walang tigil ang tubig sa paglabas. Tapos after some time tinanggal na nung nurse. E nararamdaman ko may lumalabas pa din na tubig. Natakot ako kasi nababasa ko na yung bed! Kaya nung may lumapit na nurse, I asked kung pwede ba mabasa kasi may lumalabas pa din sa akin. Sabi ng nurse, opo mommy pwede po.

5PM I am bored. As in ang boring. Napasaya naman ako kasi nakita kong dumating ang aking ob. I’m so happy to see her kasi I heard na may mga ob na dadating kapag palabas na baby mo, as in nakalabas na ang ulo at hahatakin na lang si baby. For me kasi parang hindi enough yun kasi kaya ka nga magbabayad para nandyan sya. Just my opinion po ha.

630PM when I felt something but I can tolerate it. Every 10 minutes may pain. I just squeezed my stress ball pero the pain increases so I increased my squeezing but then I can’t handle it anymore! Kinagat ko na ang stress ball! Haha! I looked around and still deadma lahat ng mga mommies. To each his own ang drama naming lahat. Kaya kinausap ko na lang baby ko sa tummy na kako labas na sya para hindi mahirapan si mommy! Ayoko sumigaw kasi nakakahiya and feeling ko kapag sumigaw ako e paguusapan ako ng mga nurses. Whimper na lang ako sa loob loob ko.

7PM onwards.
This time pumikit na lang ako kasi masakit na pero kapag nag-counting ka ng paghinga matotolerate ang pain. Dra even asked me if I want an epidural. I answered: try ko po muna dra na wala. Alam ko 2x nya ako tinanong.

Tapos pinatagilid ako nung nurse sa left side then may lumapit ulit sabi sa right side. I’m like, ano ba? Saan ba talaga? Kayo kaya ang tumagilid? Ang hirap ng paiba iba ng position ha! Hahaha!

Nung masakit na talaga e narinig ko na bubuhatin na daw ako. I heard male voices and sabi mommy tagilid lang po, lipat po tayo ng bed. Sabi ko, wait lang po, masakit! Hahahaha!

Then naramdaman ko na umaandar na ako and pagdilat ko, nakita ko yung opearting room lights! Sabi ko, this is it! Pero pucha ang sakit pero sabi ng isip ko kaya ko ito. Mahal ang epidural! Mahal ang CS!

From time to time kinakausap ako ng ob ko to ask kung kaya ko pa. Sabi ko opo kaya ko po. Then may time na super sakit, e since nakapikit ako, nangangapa ako kung sino ang pwede ko hawakan para kapitan e wala akong makapa, sinabunutan ko sarili ko! Sabi ng nurse, mommy wag mong sabunutan sarili mo, hawak po kayo sa handle. E since nakapikit nga ako, mukha akong bulag na nangangapa sa dilim. Nung naiabot na sa akin e pucha ang lamig! Gusto ko sabihin, wala bang human hand? Kasi parang mas conforting kapag tao yung hawak kamay mo dba? And sabi pa pala, mommy mahuhulog na kayo, taas po. Im thinking, huh? Nakaupo ba ako?

Basta from time to time nakakatulog ako. Then magigising ako na parang may kung anong sakit sa balakang ko na lalabas na ewan. Yun pala ang feeling ng dysmennorhea. Kasi no idea ako. Nadidinig ko ob ko and the staff na naguusap na active contractions na daw ako, etc etc. In between e nasabi ko pa sa ob ko na dra may dala po akong camera and baby book!

Basta all I remember after is, tinuruan nila ako magpush and after 2-3 tries e naitama ko din. Kasi sabi wala daw boses dapat and close ang bibig. E nakasarado naman bibig ko and sabi ko is hmm… sabi salita daw yun! Hahaha!

Then naramdaman ko na shinave na nila ako, then may dumagan sa dibdib ko tapos sabay sabi push daw, e di push ako pero nasa isip ko “hindi ako makahinga!” then ayun tulog na ako.

11PM. Ginising ako ni dra and sabi nya nanganak na ako. Sabi ko: totoo po? Natawa si dra. Oo Helen, kapain mo pa tyan mo. Ay oo nga,wala na laman tyan ko. Normal po ba si baby? Yes, normal healthy baby boy. At tinanong ko pa ano po APGAR score. Sabi dra 8. Then pinakita ni dra yung picture ni Basti with her own camera. Hindi daw kasi naibigay yung digicam ko. Inupdate ako ni dra na nasabi na nya sa parents ko that I gave birth and hindi ako humingi ng anesthesia pero umiiyak ako.



After some time e hinatid na ako ng mga stretcher boys papunta ng ward. While doing so sabi ba naman nung isang lalaki, mommy after 1 year pwede na ulit! Sagot ko, no! mahirap manganak! Sabay sabi nung lalaki, “mommy dahil sa inyo kaya po kami may trabaho”. May ganong linya si kuya? Haha!

Nagkwentuhan pa kmi ng mom ko before ako nakatulog. Hyper nga daw ako sabi.

Hubby called para mangamusta and asked bakit iba boses ko, sabi ko, hunie xempre naglabor ako, hahaha! At pinaalala na magupload agad ng pictures! Sabi ko, hunie magpapahinga muna ako! Lol.

MAY12. Woke up and excited makita si baby. Tinanong ako ng nurse kung naihi at nadumi na ako. Sabi ko hindi pa po. Sabi nya, babalikan kita after 1 hour kapag hindi pa din lalagyan kita ng catheter. E ayoko malagyan ng catheter kaya inubos ko yung 1 bote ng mineral water at ayun naihi na ako at nadumi ng kapiranggot.

Since kaya ko na maglakad e nagrefresh lang ako then naglakad na kmi ng mom ko papuntang nursery. Napagalitan ako ng mga nurse sa nurse station kasi bakit daw ako naglalakad! Hindi daw ba ako nahihilo? Ayun ikinuha nila ako ng wheelchair at saka pumunta ng nursery. Nakita ko nga ob ko and all smiles sya kasi nga kaya ko na daw agad.



Then balik na ulit kami sa room. Dumating ang OB ko then pati yung pedia. I so love my ob kasi feel na feel ko yung care nya sa akin. Pati yung pedia e oks din yun nga lang hindi sya affiliated sa TMC SM Fairview, kaya nirefer na lang nya ako sa iba. Sabi ng pedia, tonight iro-room in na si baby then i-breastfeed mo ha. Tuturuan ka naman kung paano. Oh my! Nagpanic kmi ng mom ko kasi hindi ko akalain na itatabi na agad si baby! Pero carry naman pala. Yun nga lang, every hour ata iyak sya kasi gutom and wala pa lumabas na milk sa akin. Pero very good si baby sabi nung nurse kasi nakapaglatch agad. Yun nga lang since wala pa lumabas na milk e napilitan kmi painumin ng formula si baby. At least tumigil sya sa pagiyak kasi kakaawa naman.

MAY 13. Pumunta ulit ob ko and nabigyan na ako ng go signal for discharge. Buti din pala hindi na ako nagpalipat ng room kasi makakauwi din agad. Hindi na din naman kasi ako nagpadalaw except of course my immediate family and my inlaws. Sabi ko, sa bahay na lang magsidalaw which turned out na good idea kasi nakapapahinga na ako kahit papano. Bdw, the midwife bathe Basti and taught me how to clean the umbilical stump. Checked out of hospital at 12nn.

Looking back, natatawa ako sa sarili ko. May halong comedy moments ako. Kung iisipin, kaya naman pala manganak ng walang anesthesia. Mind over matter lang talaga. Pero syempre dahil first timer kaya may fear of the unknown kahit alam mo na ganun ang gagawin sa iyo dahil kahit papano e nakapagbasa ako ng mga birthing stories ditto sa n@w and asked my friends about their personal experiences. Iba pa din kapag ikaw mismo.

2 comments:

  1. I enjoyed reading your birthing story. I envy you for going through it because I did not experience labor. Parang hindi ko na feel ang panganganak. Kasi I just went for my weekly checkup, 2 weeks before my due date. My OB said breech si baby and you're already dilated at may contractions (which I didn't feel). That day din I gave birth thru CS. Happy na din that it wasn't difficult at all even the recovery. I just wanted to experience sana labor and pushing and all. :)

    ReplyDelete
  2. thank you jellybelly! hmm, e di sa second baby mo i-try mag-normal delivery, wink! pero after 2-3 years pa ito dba. nevertheless, kesehodang normal or CS, ang importante NANAY na tayo, weeeeeeeee!Ü

    ReplyDelete